|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Professor Clarita Carlos ng University of the Philippines na mahalaga ang papel sa Tsina sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) na nagdiriwang ng ika-50 taon ng pagkakatatag.
Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Carlos, dating pangulo ng National Defense College of the Philippines na patungo na sa regional integration ang rehiyon at sangkot sa rehiyon ang may 640 milyong mamamayan, Ang mga ekonomiya ng mga bansa ay mananatiling magkakaugnay sa pagkakaroon ng programang "One Belt, One Road" ni Pangulong Xi Jinping.
Magiging mahalaga ang papel ng Tsina at Russia sapagkat unti-unting umaatras ang Estados Unidos sa pandagidigang larangan. Ang mahalaga, ani Dr. Carlos ang kung sino ang namimili ng mga produkto ng bansa, tulad ng Tsina. Naunahan na ng mga isyung pang-ekonomiya ang mga isyung politikal.
Na sa iba't ibang antas ang relasyon ng Tsina sa mga bansang kabilang sa ASEAN, dagdag pa ng propesor sapagkat ang Tsina, Myanmar, Laos at Vietnam ay dinaraanan ng Mekong River. Maganda rin ang relasyon ng Malaysia at Singapore sa Tsina.
Sa panig ng ASEAN, mahalagang maayos ang mga batas upang higit na gumanda ang pagsasama-sama sapagkat kailangang maging isa ang ASEAN upang isahan na lamang ang negosasyon sa mga malalaking mamimili tulad ng European Union.
Magaganap din ang layunin ni Pangulong Xi at ng mga Tsino na magkaroon ng "Community of Shared Future" sa pamamagitan ng "shared values, shared orientation and meaning."
Magaganap ito sa pagkakaroon ng pag-uugnayan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Isang magandang paraan ang ginawa ng Tsina na maglaan ng scholarship para sa may 100,000 mga estudyanteng kinabibilangan ng mga Filipino.
Ito umano ang ginawang paraan ng America upang mabatid ang kanilang sistema ng pag-aaral at edukasyon sa pamamagitan ng Fullbright scholarship.
Mahalaga rin ang papel ng Tsina sa pamamagitan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na mas kakaunti ang requirements sa mga nais magkaroon ng pondo para sa kanilang mga proyekto.
Malaking tulong din sa Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa Tsina upang matustusan ang mga palatuntunang magtatayo ng mga pagawaing-bayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |