Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ilang mga pook saklaw ng Storm Signal No. 2

(GMT+08:00) 2017-10-13 20:11:39       CRI

TATLONG pook ang na sa ilalim ng Tropical Cyclon Warning Signal No. 2 sa pagyaot ng bagyong "Odette: sa baybay-dagat ng Ilocos Sur kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng PAGASA kanina, ang mga pook na apektado ay ang Ilocos Norte, Batanes at Babuyan group of islands. Ang iba pang mga pook na nasa Signal No. 1 ay ang Cagayan, Abra, Kalinga, Apayao, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Ifugao, Pangasinan at Benguet.

Tuloy ang pagulan sa nasasakop ng bagyong si Odette na aabot sa 400 kilometrong diametro. May hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras at pagbugso itong aabot sa 100 kilometro bawat oras.

Mapanganib din ang paglalakbay sa karagatan sa pagtaas ng alon mula apat hanggang 14 na metro. Sa mga pook na saklaw ng Signal No. 1, aabot naman ito sa higit sa isa hanggang apat na metro sa karagatan.

Inaasahan itong makararating sa 490 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur sa loob ng 24 na oras.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>