Ipinahayag Oktubre 12, 2017 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina na noong 2016, umabot sa 864.4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pondong dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina. Ito aniya'y mas malaki ng 3% kasay sa 2015. Ani Gao, ang pondong ito ay inilalagay, pangunahin na, sa mga high-tech industry.
Sinabi niyang bilang isa sa mga umuunlad na bansa sa daigdig, nitong 25 taong nakalipas, tuloy-tuloy na nananatiling pinakamarami ang bilang ng mga pondong dayuhan sa Tsina.