Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-8 US-China Energy Efficiency Forum, idinaos

(GMT+08:00) 2017-10-14 16:09:02       CRI
Idinaos, kahapon, Biyernes, ika-13 ng Oktubre 2017, sa Denver, Amerika, ang ika-8 US-China Energy Efficiency Forum. Lumahok sa porum ang halos 200 kinatawan mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, instituto ng pananaliksik, at bahay-kalakal ng dalawang bansa.

Sa ilalim ng pagtataguyod ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina at Ministri ng Enerhiya ng Amerika, ipinahayag sa porum ng kapwa panig ang kahandaang palakasin ang kooperasyon sa aspekto ng pagtitipid sa enerhiya at pagpapataas ng energy efficiency.

Iniharap din ng panig Tsino ang apat na mungkahi hinggil sa pagpapayaman ng mga nilalaman ng kooperasyon, pagpapasulong sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkooperasyon, pagsasagawa ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa industriya ng pagtitipid sa enerhiya, at pagpapalakas ng multilateral na kooperasyon sa aspekto ng energy efficiency.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>