Sinimulan Linggo, Oktubre 15, 2017 ang WorldSkills 2017, isang pandaigdigang kompetisyon ng vocational skills sa Abu Dhabi, punong lunsod ng United Arab Emirates (UAE).
Napag-alamang, mula Oktubre 15 hanggang Oktubre 19, 1300 kalahok mula sa buong daigdig ang maglalaban upang hirangin isilang pinakamahusay sa 51 magkakaibang skills tulad ng floristry, bricklaying, aircraft maintenance at mobile robotics.
Ipinadala ng Tsina ang 52 kalahok at sasali sa 47 paligsahan ng anim ng kategorya.
Nauna rito, pinagbotohang idaos ng WorldSkills International members ang Ika-46 WorldSkills Competition sa Shanghai, Tsina sa taong 2021.