Ipinatalastas Martes, Oktubre 24, 2017, ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na sisimulan ang mekanismo ng pagpapalitan sa pamamagitan ng hotline para sa seguridad para mas maagang kaharapin ang mga biglaang pangyayari na nagbabanta sa serguridad.
Ayon kay Delfin Lorenzana, Secretary of National Defense ng Pilipinas, kasalukuyang bansang Tagapangulo ng ASEAN, itinakda ang mekanismo ng direktang pagpapalitan ng iba't ibang bansa ng ASEAN, ito ay nangangahulugang ang ASEAN Defence Ministers' Meeting (ADMM) ay hindi lamang nagiging isang plataporma ng diyalogo, kundi nagtatatag ng mekanismo ng pragmatikong kooperasyon ng seguridad.
salin:Lele