![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Si Xu Qijin, isang manggagawa sa lokal na kompanyang pang-elektrisidad sa lunsod ng Suzhou, probinsyang Anhui, gawing silangan ng Tsina, Setyembre 15, 2017.
Tatlimpu't limang (35) taon nang nagtatrabaho si Xu bilang elektrisyan, at nakagawa na siya ng ilang tagumpay sa larangan ng linya ng koryente.
Naihalala siya bilang delegado sa Ika-19 na National Congress ng Partido Komunista ng Tsina, na ginanap sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 24, 2017.
Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.
Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.
Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.
Salin: Rhio
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |