|
||||||||
|
||
Miyerkules, Oktubre 1, 2017, dumalaw si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa Iran. Sa kanyang pakikipag-usap kina Hassan Rouhani, Pangulo ng Iran, at Ayatollah Sayyed Ali Khamenei, pinakamataas na lider ng bansang ito, nagpahayag si Putin ng pagkatig sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran.
Ipinahayag ni Putin na positibo ang naturang kasunduan, at nakakatulong ito sa kapayapaan at katatagang pandaigdig. Aniya, tinututulan ng Rusya ang anumang unilateral na aksyong posibleng nagpabago ng kasunduang ito.
Bukod dito, ipinahayag ng dalawang panig na ipagpapatuloy ang kanilang kooperasyon sa isyu ng Syria.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |