Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

22nd China-Russia Prime Ministers' Meeting, sinimulan

(GMT+08:00) 2017-11-02 10:28:40       CRI

Beijing-Idinaos unang araw ng Nobyembre, 2017 ang Ika-22 Regular na Diyalogo ng mga Prime Minister ng Tsina at Rusya. Magkasamang pinanguluhan ang pagtitipon nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.

Ipinahayag ni Premyer Li ang pag-asang ibayo pang mapapalakas ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pagdedebelop ng potensyal na pangkooperasyon, pagpapalawak ng pamumuhunan, pagpapasulong ng trade convenience, pagpapabuti ng estrukturang pangkalakalan, pagpapalakas ng pagtutulungan sa inobasyon, pagpapahigpit ng people to people exchanges, lalo na sa pagitan ng mga kabataan, at iba pa. Ito aniya'y para sa mas magandang hinaharap ng relasyong Sino-Ruso.

Ipinahayag naman ni Punong Ministro Medvedev ang pag-asang mapapalakas ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa ibat-ibang larangan, na gaya ng enerhiya, imprastruktura, agrikultura, abyasyon, pinansya, at iba pa, para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Samantala, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang PM hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Bukod dito, nilagdaan din ng dalawang panig ang "Magkasanib na Komunike ng 22nd Prime Ministers' Meeting ng Tsina at Rusya," at mga dokumento ng bilateral na pagtutulungan sa mga larangang kinabibilangan ng pamumuhunan, enerhiya, kultura, agrikultura, pinansya at iba pa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>