Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumating ngayong hapon, Miyerkules, ika-8 ng Nobyembre 2017, sa Beijing, si Pangulong Donald Trump ng Amerika, para pasimulan ang dalaw-pang-estado sa Tsina.
Ito ang unang pagdalaw ni Trump sa Tsina, sapul nang manungkulan siya bilang pangulong Amerikano noong unang dako ng taong ito.
Pagkaraan ng mga pagtatagpo ng mga lider na Tsino at Amerikano sa Amerika at Alemanya, ang pagdalaw na ito ay isa pang pagkakataon, para magpalitan sila ng palagay hinggil sa mga mahalagang isyu. Inaasahang mararating ng dalawang lider ang mga bagong komong palagay, mapapalalim ang pag-uunawaan at pagkakaibigan, mapapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa iba't ibang larangan, at maitatakda ang pangkalahatang plano ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon.
Salin: Liu Kai