Ipinahayag kamakailan ni Khammany Inthirath, Ministro ng Enerhiya ng Laos at Chairman ng Samahan ng Mamamayang Tsino at Laotian sa Pagpapasulong ng Pagkakaibigan, na ang gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Laos ay ibayo pang magpapasulong sa tradisyonal na pagkakaibigan at komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Winika ito ni Khammany Inthirath nang kapanayamin siya ng mga media ng Tsina at Laos.
Sinabi rin niyang nananatiling mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Laos sa larangan ng paggagalugad ng enerhiya at pagmimina ng likas-yaman.