Idinaos kahapon, Huwebes, ika-9 ng Nobyembre 2017, sa Vientiane, Laos, ang seremonya ng paglalabas ng edisyon sa wikang Lao ng aklat na "Xi Jinping: The Governance of China."
Sinabi sa seremonya ni Guo Weimin, Pangalawang Direktor ng State Council Information Office ng Tsina, na ang paglalabas ng naturang aklat sa wikang Lao ay makakatulong sa pagkakaunawa ng mga mamamayang Lao sa ideya at landas ng pag-unlad, at mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina. Ito rin aniya ay makakabuti sa pagpapalitan ng karanasan ng Tsina at Laos hinggil sa pangangasiwa sa bansa.
Ipinahayag naman ni Kikeo Khaykhamphithoune, Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party, ang pagbati sa bagong labas na aklat na ito. Mahalaga aniya ito, dahil sa nalalapit na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Laos sa susunod na linggo.
Salin: Liu Kai