Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

APEC at ASEAN, palalakasin ang kooperasyon

(GMT+08:00) 2017-11-11 00:34:36       CRI

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-10 ng Nobyembre 2017, sa Da Nang, Biyetnam, ang dialogue meeting ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Tinalakay ng mga kalahok na lider ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng APEC at ASEAN, para pasulungin ang inter-connectivity at integrasyon ng Asya-Pasipiko.

Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na malawak ang prospek ng kooperasyon ng APEC at ASEAN, batay sa prinsipyo ng pagsasanggunian, pagiging maluwag at pragmatiko, at pagsasaalang-alang sa interes ng isa't isa.

Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina sa pagpapasulong ng pakikipagkooperasyong pangkaibigan sa ASEAN, at pagkatig sa konstruksyon ng ASEAN Community at namumunong papel ng ASEAN sa rehiyonal na kooperasyon. Dagdag pa niya, pasusulungin ng Tsina ang pag-uugnayan ng "Belt and Road" Initiative at mga estratehiyang pangkaunlaran ng mga bansang ASEAN, patataasin ang lebel ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at bubuuin ang mas mahigpit na komunidad ng komong kinabukasan ng dalawang panig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>