Nagtagpo kahapon, Biyernes, ika-10 ng Nobyembre 2017, sa Da Nang, Biyetnam, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Binigyan ng kapwa pangulo ng positibong pagtasa ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon at kooperasyong Sino-Ruso. Ipinahayag din nila ang pagpapahalaga sa ibayo pang pagpapaunlad ng bilateral na relasyon, at ang kahandaang patuloy na palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto.
Nagpalitan din ng palagay sina Xi at Putin hinggil sa mga mahalagang isyu, na gaya ng kalagayan sa Korean Peninsula.