Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, dumalo sa Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC

(GMT+08:00) 2017-11-11 20:59:12       CRI

Da Nang, Biyetnam — Idinaos Sabado, Nobyembre 11, 2017, ang Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Dumalo at bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinagdiinan niya na dapat patuloy na pasulungin ng iba't-ibang panig sa rehiyong Asya-Pasipiko ang inobasyon, dapat buong tatag na palawakin ang pagbubukas sa labas, dapat aktibong isagawa ang inclusive development, at dapat ding walang humpay na payamanin ang nilalaman ng partnership upang mapasulong ang bagong round ng kaunlaran at kasaganaang pandaigdig.

Pinanguluhan ang nasabing pulong ni Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam. Ang tema ng pulong sa kasalukuyang taon ay "Paglikha ng Bagong Puwersang Tagapagpasulong, at Magkakasamang Paglikha ng Kinabukasan." Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok na lider ng iba't-ibang ekonomiya tungkol sa mga temang gaya ng inobasyon at paglaki, inklusibo at sustenableng hanap-buhay, at magkakasamang paglikha ng magandang kinabukasan.

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong tatlong taong nakalipas, unti-unting umaahon ang kabuhayang pandaigdig, at lumalakas din ang kompiyansa ng iba't-ibang panig. Dapat aniyang magkakasamang umaksyon ang iba't-ibang panig ng rehiyong Asya-Pasipiko upang mapasulong ang bagong round ng kaunlaran at kasaganaang pandaigdig.

Ipinahayag naman ng mga kalahok na lider na sa kasalukuyan, umaahon ang kabuhayang pandaigdig, ngunit umiiral pa rin ang panganib at hamon. Dapat anilang pasulungin ng iba't-ibang panig sa rehiyong ito ang konstruksyon ng konektibidad, at pasulungin ang proseso ng malayang sonang pangkalakalan, at dapat ding pasulungin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Inulit din nila na dapat katigan ang sistema ng multilateral na kalakalan, at pasulungin ang inklusibong pag-unlad.

Ipinalabas sa pulong ang "Deklarasyon ng Ika-25 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC."

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>