Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nakausap ang Vietnamese PM

(GMT+08:00) 2017-11-11 21:07:07       CRI

Da Nang, Biyetnam — Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Nobyembre 11, 2017, kay Punong Ministro Nguyễn Xuân Phúc ng Biyetnam, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang pakikiramay sa malaking kapinsalaan ng kasuwalti at ari-arian na dulot ng grabeng bagyo sa dakong gitna at timog ng Biyetnam. Ipinagdiinan niya ang pananalig na sa ilalim ng pamumuno ng partido at pamahalaang Biyetnames, tiyak na mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Biyetnames ang kalamidad. Kakatigan aniya ng panig Tsino ang disaster relief work ng Biyetnam.

Tungkol sa relasyong Sino-Biyetnames, tinukoy ng pangulong Tsino na sa kasalukuyan, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa Biyetnam. Sa pamamagitan ng biyaheng ito, inaasahan ni Xi na malalimang makikipagpalitan ng kuru-kuro sa mga lider ng Biyetnam hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Nguyễn Xuân Phúc ang pagpapahalaga sa tradisyonal na pagkakaibigang Biyetnames-Sino. Aniya, ang pagpapataas ng lebel ng relasyong Biyetnames-Sino ay preperensyal na pagpili ng partido at pamahalaan ng kanyang bansa. Pinasalamatan din ng panig Biyetnames ang ibinibigay na tulong ng Tsina. Umaasa ang Biyetnam na mapapalakas ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng pamumuhunan, kalakalan, kakayahan ng produksyon, siyensiya't teknolohiya, agrikultura, koryente, at konstruksyon ng imprastruktura., dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>