Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pandaigdig na guideline hinggil sa pagtukoy at pagbibigay-lunas sa diabetes sa pamamagitan ng medisinang Tsino, inilabas

(GMT+08:00) 2017-11-14 16:20:22       CRI

Seremonya ng paglabas ng "pandaigdig na guideline hinggil sa pagtukoy at pagbibigay-lunas sa diabetes sa pamamagitan ng medisinang Tsino"

Idinaos ngayong araw, Martes, ika-14 ng Nobyembre 2017, sa Shenzhen, Tsina, ang seremonya ng paglabas ng "pandaigdig na guideline hinggil sa pagtukoy at pagbibigay-lunas sa diabetes sa pamamagitan ng medisinang Tsino." Sa pagtataguyod ng World Federation of Chinese Medicine Societies (WFCMS), ito ang kauna-unahang dokumento ng medisinang Tsino na nakatuon sa isang partikular na sakit.

Dumalo sa seremonya sina Yang Rongchen, Pangalawang Puno ng Departmento ng Patakaran, Regulasyon, at Superbisyon ng State Administration of Traditional Chinese Medicine ng Tsina; Sang Binsheng, Pangkalahatang Kalihim ng World Federation of Chinese Medicine Societies; Wu Yihuan, Pangalawang Alkalde ng Shenzhen; Shen Yuandong, Pangalawang Tagapangulo ng International Organization for Standardization (ISO) Technical Committee 249; at iba pang eksperto sa larangan ng medisina.

Sinabi ni Yang Rongchen, na ang paglabas ng naturang dokumento ay isang mahalagang hakbang ng istandardisasyon ng medisinang Tsino. Ito aniya ay makakatulong sa pag-unlad ng medisinang Tsino at paglaganap nito sa daigdig.

Sang Binsheng, Pangkalahatang Kalihim ng World Federation of Chinese Medicine Societies

Sinabi naman ni Sang Binsheng, na sapul nang itatag noong 2003, laging pinapasulong ng WFCMS ang istandardisasyon ng medisinang Tsino. Aniya, ang paggawa ng naturang dokumento ay ganap na batay sa mga tadhana ng ISO at World Health Organization.

Tong Xiaoling, punong mananaliksik ng China Academy of Chinese Medical Sciences

Ipinahayag naman ni Tong Xiaoling, punong mananaliksik ng China Academy of Chinese Medical Sciences, at ekspertong kalahok sa paggawa ng naturang dokumento, ang pag-asang magbibigay-tulong ang dokumentong ito sa mga doktor na Tsino at dayuhan sa paglunas ng diabetes. Ipinalalagay din niyang ang paglabas ng ganitong dokumento ay makakabuti sa paglaganap ng medisinang Tsino sa daigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>