MANILA, Nobyembre 13, 2017 – Nagtagpo sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodia sa panahon ng kanilang paglahok sa ASEAN summit at mga kaugnay na summits.
Sinabi ni Li na nakahandang pangalagaan ang pag-uugnayan ng lider ng dalawang bansa, pahigpitin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at papalihim ang di-pampamahalaang pagpapalitan. Aniya, ang susunod na taon ay ika-60 anibersaryo bilang pagdiriwang ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodia, at idaraos ang Ika-2 Leaders' Meeting of Lancang-Mekong Cooperation sa Kambodia, nakahandang katigan ng Tsina ang Kambodya sa matagumpay na pagdaraos ng nasabing mga pangyayari.
Ipinahayag ni Hun Sen na nakahanda ang kaniyang bansa na ibayo pang pasulungin ang komprehensibo, estratehiko at pangkooperasyong partnership.
salin:Lele