Manila, Nobyembre 13, 2017—Nagtagpo sina Li Keqiang, Premiyer ng Tsina at Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng Byetnam.
Tinukoy ni Li na nakahandang ibayo pang palakasin ang pag-uugnayan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) , pabutihin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN sa mas mataas na antas. Aniya pa, nakahanda ang Tsina na patuloy na pasulungin ang pagsasanggunian hinggil sa "Code of conduct in the south China sea" (COC).
Sinabi ni Nguyen na nakahandang patuloy na palalimin ang pagkakaibigan ng Byetnam at Tsina, pahigpitin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, at pasulungin ang pag-uugnay ng mga patakarang pangkooperasyon. Pinapurihan niya ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng Tsina at mga bansang ASEAN hinggil sa COC, nakahandang pasulungin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa dagat, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
salin:Lele