Mula huling hati ng noong taong 2016, umahon ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Ayon sa mga opisyal at dalubhasa, dahil sa pagdalaw ni Premyer Li Keqiang sa Pilipinas, may pag-asang malilikha ang bagong "Golden Age" ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Isinalaysay ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa kasalukuyan, ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner, pinakamalaking bansang pinagmumulan ng pag-aangkat, at ika-4 na pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng Pilipinas. Noong unang 9 na buwan, ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa ay lumaki ng 7.8% kumpara sa gayunding panahon sa kabilang dako, at lumaki rin ng 7.2% ang pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas, aniya pa.
Dumadalaw ngayon si Premiyer Li Keqiang sa Pilipinas, at ito ay kauna-unahang pagdalaw ng premiyer ng Tsino sa Pilipinas nitong 10 taong nakalipas. Ayon sa pag-analisa ni Professor Cui Fan ng University of International Business and Economics ng Tsina, nilagdaan na ang "Six-year Philippines-China Trade and Economic Development Program," at ang pagdalaw ni Li ay ibayo pang magpapahigpit sa ugnayan ng mga estratehiya ng pag-unlad, sa konstruksyon ng mga mahalagang proyekto ng dalawang bansa. Ani Cui, ang mga ito ay magbibigay ng kapakinabangan sa mga mamamayan ng kapwa panig.
salin:Lele