Manila, Pilipinas-Ipininid Nobyembre 14, 2017 ang 31st ASEAN Summit and Related Summits.
Sa Chairman's Statement na ipinalabas Nobyembre 16 ng ASEAN, ipinahayag nitong nananatiling mainam ang pagtutulungan ng ASEAN at Tsina sa isyu ng South China Sea (SCS). Umaasa anito itong ibayo pang tataas ang pagtitiwalaan ng dalawang panig para mapayapang lutasin ang isyu ng SCS.
Anito pa, positibo ang ASEAN sa bagong round ng talastasan ng dalawang panig hinggil sa "Code of the Conduct in the South China Sea"(COC), at joint work meeting sa pagpatupad sa "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea"(DOC) na nakatakdang idaos sa Biyetnam, taong 2018.