|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Nobyembre 21, 2017 ni Jacob Mudenda, Presidente ng Mababang Kapulungan ng Zimbabwe ang pagbibitiw sa tungkulin ni Pangulong Robert Mugabe ng bansa. Aniya, ang nasabing pagbibitiw sa tungkulin ay agarang nagkabisa.
Ipinahayag din ni Mudenda na umaasa si Mugabe na maisasakatuparan ng bansa ang matatag na transisyon ng kapangyarihan.
Sa kasalukuyan, siyamnaput tatlong taong gulang na si Robert Mugabe. Nanungkulan siya bilang pangulo ng Zimbabwe, noong 1987.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |