|
||||||||
|
||
Sa pagtataguyod ng Partners in Population and Development (PPD), binuksan ngayong araw, Martes, ika-28 ng Nobyembre 2017, sa Yogyakarta, Indonesya, ang Ika-14 na International Inter-Ministerial Conference on Population and Development.
Kalahok ang mahigit 120 kinatawan mula sa 26 na bansa at mga organisasyong pandaigdig, sa 2-araw na pulong na may temang "Sustainable Cities, Human Mobility and International Migration: a South to South Perspective and Intervention Needs."
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pangalawang Premyer Liu Yandong ng Tsina, na bilang tagapangulong bansa ng PPD, lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagdaraos ng pulong na ito.
Sinabi naman ni Puan Maharani, Coordinating Minister of Human Development and Culture ng Indonesya, na ang tema ng pulong na ito ay angkop sa 2030 Agenda for Sustainable Development Goals ng United Nations. Dagdag niya, kailangan ang komong pagsisikap ng iba't ibang bansa, para lutasin ang isyu ng populasyon at pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Natalia Kanem, Executive Director ng UN Population Fund, na ang south-south cooperation ay magandang mekanismo para lutasin ang isyu ng populasyon, bilang isang pandaigdig na isyu.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |