|
||||||||
|
||
PDEA, LEAD AGENCY PA RIN. Magkakaroon ng mas malapit na koordinasyon ang pulisya at PDEA sa paglulunsad ng mga operaston laban sa mga sindikato ng illegal drugs. Ito ang tiniyak ni Director Derrick Arnold Carreon, tagapagsalita ng PDEA. Mangunguna ang PDEA sa pagpaplano ng mga operason sammantalang obligado ang pulisya na maglaan ng mga tauhan sa gagawing operasyon ng pamahalaan.
KAHIT pa binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik ang mga operasyon laban sa illegal drugs sa Philippine National Police, ang Philippine Drug Enforcement Agency pa rin ang mangunguna sa mga operasyon. Magkakaroon ng higit na pagtutulungan ang dalawang tanggapan kasama na rin ang iba pang law enforcement agencies.
Ipinaliwanag ni Director Derrick Arnold Carreon, tagapagasalit ng PDEA, mula pa noong unang araw ng Hulyo ng 2016, may 118,287 katap na ang nadakip ng pinagsanib na tauhan ng PDEA at Philippine National Police. Sa mga nadakip, mayroong 185 mga halal ng bayang nahulog sa bitag ng mga autoridad. May 42 mga kawal, pulis, tauhan ng Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penilogy ang nahulog sa bitag ng pamahalaan samantalang may 208 government employees ang nadakip sa buong bansa.
Mayroon ding 589 na mga kabataang wala pang 18 taong gulang na nailigtas ng mga tauhan ng pamahalaan. Nabuwag din nila ang siyam na laboratoryo ng shabu at naisara ang tatlong bodega ng mga kemikal na gamit sa paggawa ng shabu. Mayroon ding 163 drug dens ang kanilang nabuwag.
Umabot naman sa 132 mga taniman ng marijuana ang nabunyag at nabungkal. Mula noong unang araw ng Hulyo ng 2016, may 3,967 mga drug personality ang napaslang sa anti-drug operation ng pamahalaan. Nakasamsam din sila ng higit sa 2,500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P 19 bilyon ang nasamsam ng PDEA at Philippine National Police. Kasama rin sa mga kumilos laban sa illegal drugs ang National Bureau of Investigation.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |