Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino: palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa aspekto ng internet at digital economy

(GMT+08:00) 2017-12-03 20:27:10       CRI
Binuksan ngayong araw, Linggo, ika-3 ng Disyembre 2017, sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang Ika-4 na World Internet Conference.

Sa kanyang mensaheng pambati sa pulong, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pag-asang palalalimin ng iba't ibang panig ang pagpapalitan at pagtutulungan, sa aspekto ng internet at digital economy. Ito aniya ay para ibayo pang makinabang ang mga mamamayan ng iba't ibang bansa ng daigdig sa pag-unlad ng internet.

Dumalo at nagtalumpati naman sa seremonya ng pagbubukas, si Wang Huning, miyembro ng Standing Committee ng Political Bureau ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Sinabi niyang, nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na pasulungin ang pagbubukas, pagtutulungan, pagpapalitan, at pagbabahagi sa internet, para magkakasamang itatag ang "community of common future in cyberspace."

Tatagal hanggang sa susunod na Martes ang pulong na ito, na may temang "Developing digital economy for openness and shared benefits -- building a community of common future in cyberspace."

Kalahok sa pulong ang halos 1500 panauhin mula sa iba't ibang lugar ng daigdig, na kinabibilangan ng mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig, mga kinatawan ng industriya ng internet, eksperto, iskolar, at iba pa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>