Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PM Regular Annual Dialogue ng Tsina at Kanada, idinaos

(GMT+08:00) 2017-12-05 09:33:56       CRI

Beijing-Idinaos Disyembre 4, 2017 ang Ika-2 Prime Ministers' Regular Annual Dialogue ng Tsina at Kanada. Magkasamang pinanguluhan ang pagtitipon nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Justin Trudeau ng Kanada.

Ipinahayag ng dalawang PM ang pagpapahalaga sa konstruktibong papel ng mga mekanismong pandiyalogo ng Tsina at Kanada, na gaya ng Taunang Diyalogo ng mga Prime Minister, mga Ministrong Panlabas, Diyalogo ng Estratehiyang Pangkabuhayan at Pinansyal, at Diyalogo ng Pambansang Seguridad at Administrasyong Pambatas. Sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagpalabas ng "Magkasanib na Pahayag hinggil sa Pagbabago ng Klima at Malinis na Pag-unlad ng Tsina at Kanada," at pagtatatag ng dalawang mekanismong pandiyalogo hinggil sa kapaligiran at malinis na enerhiya sa antas ng ministro. Ipinahayag din ng dalawang panig na ibayo pang pasusulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at Kanada, pahihigpitin ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan, at palalawakin ang pagpapalitang di-pampamahalaan. Dagdag pa nila, magkasamang magpapasulong sa globalisasyon at malayang kalakalan ng daigdig.

Nang araw ring iyon, dinaluhan ng dalawang lider ang isang magkasanib na preskon at seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon sa edukasyon, seguridad ng pagkain, enerhiya at iba pa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>