Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-80 anibersaryo ng Nanjing Massacre, ginunita ng mga biktima

(GMT+08:00) 2017-12-12 16:26:15       CRI

Nanjing, Tsina--Nakatayo sa harap ng Memorial Hall of the Victims in Nanjing Massacre by Japanese Invaders, lumuluhang binasa ni Xia Shuqin ang liham para sa mga kapamilya na marahas na pinaslang ng mga mananalakay na Hapones.

"Kung maaari, gustung gusto ko sana muling marinig ang tinig ng aking nanay at tatay," dahan-dahan niyang binasa.

Ipinanganak si Xia noong May 5, 1929. Noong Dec. 13, 1937, pinaslang ng mga Hapon ang kaniyang ama, lolo at lola at ang kaniyang isang taong nakababatang kapatid na babae, at ginahasa at pinatay ang kaniyang ina at dalawang nakatatandang kapatid na babae, sa Nanjing, kabisera ng Jiangsu Province sa dakong silangan ng Tsina.

"Nilaslas ako nang tatlong beses sa likod gamit ang boyoneta, at hinimatay ako," alaala ni Xia. Noon walong taong gulang lang si Xia. Makaligtas siya matapos danasin ang kalupitan sa kamay ng mga mananakop na Hapones.

Nitong ilang araw na nakalipas, ang mga kapamilya ng mga biktima na tulad ni Xia ay nagdaraos ng serye ng aktibidad na pang-alaala. Kabilang sa kanilang mga aktibidad ay pag-aalay ng bulaklak, pagsindi ng insenso, pagbabasa ng liham sa tapat ng memorial hall wall na inukitan ng pangalan ng mga biktima.

"Nawa sumalangit ang kaluluwa ninyo," sabi ni Xia sa mga pinaslang kaanak. Sinabi rin niyang patuloy niyang sasabihin sa iba ang kanilang mga kuwento habang nabubuhay siya.

Ang ika-13 ng Disyembre, 2017 ay ika-80 anibersaryo ng Nanjing Masscre. Ang araw na iyon ay Ika-apat na Pambansang Araw rin ng Paggunita sa nasabing pamamaslang. Noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod ng Nanjing o Nanking ng mga mananalakay na Hapones. Sa kasalukuyan mayroon na lamang di-aabot sa 100 biktima ang nabubuhay.

Ang mga larawan ay nagpapakita sa buhay ngayon ni Xia Shuqin, nakaligtas na biktima ng Nanjing Massacre. Ang larawan ay kinuha noong Dec. 3, 2016 at makikita dito si Xia kasama ang kanyang apo sa tuhod na nag-aalay ng insenso para sa mga biktima ng Nanjing Massacre (Itaas ikalawa, kanan).

Ang lawarang kinuha noong Aug. 23, 2006 ay nagpapakita kay Xia habang nagbibigay ng pahayag sa korte habang dinidinig ang kaso laban sa dalawang maka-kanang Hapong istoryador (Ikatlo kanan gitna); Si Xia habang nagsasalita sa isang press conference matapos manalo sa kaso laban sa dalawang maka-kanang Hapong istoryador (Kanan taas); Larawang kinuha noong Jan. 14, 2017 habang nag-eehersisyo si Xia sa kaniyang pamayanan (Una kanan gitna); Si Xia karga ang kaniyang apo sa tuhod (Una kanan ilalim); Si Xia habang lumalabas sa kaniyang tahanan (Ikalawa kanan ilalim). Larawang kuha noong Sept. 2002 habang dumadalo si Xia sa pagtitipon para sa pagpapatotoo ng mga nakaligtas sa Nanjing Massacre sa Nagasaki, Japan (Ikatlo kanan ilalim). Larawang kuha noong Nov. 19, 2017 ng mga pangalan ng kapamilya ni Xia na nakaukit sa Bulwagang Gumugunita sa Ala-ala ng mga Biktima ng Nanjing Massacre ng mga Mananakop na Hapon sa Nanjing.

Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay. (Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang and Ji Chunpeng)

Salin: Mac/Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>