Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panig Tsino, kinondena ang pagsalakay sa tropang pamayapa ng UN sa DR Congo

(GMT+08:00) 2017-12-12 15:50:29       CRI

Sa regular na preskon Lunes, Disyembre 11, 2017, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kinondena ng panig Tsino ang pagsalakay sa tropang pamayapa ng United Nations (UN) sa Democratic Republic of Congo (DR Congo). Nagpahayag din siya ng pakikiramay sa mga nasawi, at ng pakikidalamhati sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Sa Lalawigang North Kivu sa silangang DR Congo, sinalakay ng pinaghihinalaang allied democratic forces ang tropang pamayapa ng UN noong gabi ng ika-7 ng Disyembre, local time. Di-kukulangin sa 15 sundalong Tanzanian at 5 sundalo ng DR Congo ang nasawi.

Inilabas ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN ang pahayag na nagsasabing ito ang pinakagrabeng insidente ng pagsalakay sa tropang pamayapa nitong nakalipas na ilang taon. Nanawagan siya sa pamahalaan ng DR Congo na dakipin at parusahan ang may kagagawan.

Ipinahayag ni Lu Kang na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na palakasin ang kooperasyon sa komunidad ng daigdig, at patinkarin ang positibong papel para sa mapayapang paglutas sa isyu ng DR Congo, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng Aprika.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>