Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panig Tsino, umaasang lilikhain ng Amerika at H. Korea ang kinakailangang kondisyon at atmospera para sa talastasan

(GMT+08:00) 2017-12-12 15:58:36       CRI

Iminungkahi kamakailan ni Robert Gallucchi, dating Punong Negosyador ng Estados Unidos sa Isyung Nuklear ng Korean Peninsula, na isaalang-alang ng panig Amerikano at Hilagang Koreano ang "suspension for suspension" proposal na iniharap ng Tsina. Kaugnay nito, sinabi Lunes, Disyembre 11, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina , na umaasang mataimtim na isasaalang-alang ng iba't ibang panig ang mungkahi ng panig Tsino, ititigil muna ang kasalukuyang komprontasyon ng kalagayan ng Korean Peninsula, at lilikhain ang kondisyon at atmospera para sa muling pagsisimula ng diyalogo't talastasan.

Noong 1994, namuno si Gallucchi sa talastasan ng Amerika at Hilagang Korea sa Geneva, at lumagda sa "Framework Agreement hinggil sa Paglutas sa Isyung Nuklear ng Hilagang Korea." Ayon sa ulat ng Kyodo News Agency ng Hapon, ipinalalagay ni Gallucchi na kung itatatag ng Amerika at Hilagang Korea ang pagtitiwalaan sa pamamagitan ng diyalogo, posibleng itakwil ng Hilagang Korea ang planong nuklear nito.

Sinabi ni Lu Kang na ang parami nang paraming bansa at personahe ang nauunawaan at kinakatigan ang "suspension for suspension" proposal ng panig Tsino. Aniya, bilang mga panig na may direktang kaugnayan sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, ang Hilagang Korea at Amerika ay susi ng paglutas sa isyung ito. Umaasa aniya ang panig Tsino na makikipag-ugnayan sa isa't isa ang kapuwa panig, magpapalakas ng pagtitiwalaan, at magpapabuti ng relasyon, para lumikha ng kinakailangang kondisyon sa pagresolba sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>