Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-2 pagtatanghal ng mga natatanging pelikula ng Tsina at Kambodya, binuksan sa Phnom Penh

(GMT+08:00) 2017-12-12 16:30:29       CRI

Lunes, Disyembre 11, 2012, binuksan sa Phnom Penh ang ika-2 pagtatanghal ng mga natatanging pelikula ng Tsina at Kambodya. Ang aktibidad na ito ay magkakasamang itinaguyod ng Embahada ng Tsina sa Kambodya, Cambodia China Friendship Radio (CCFR) ng China Radio International (CRI), Ministri ng Kultura at Sining ng Kambodya, Ministri ng Impormasyon ng Kambodya, at Union of Youth Federation of Cambodia.

Seremonya ng Pagbubukas

Si H.E. Phoeung Sakona, Ministro ng Kultura at Sining ng Kambodya

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni H.E. Phoeung Sakona, Ministro ng Kultura at Sining ng Kambodya, na ang aktibidad na ito ay naglalayong ibayo pang pasulungin at palalimin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kultura, sining, at impormasyon. Sa pamamagitan ng kasalukuyang aktibidad, makikitang aktibong pinapasulong ng CCFR ang pagbabalita at pagpapalitang pansining ng dalawang bansa, at naglatag ng tulay para sa pag-uunawaan at mapagkaibigang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Si Wang Wenjun, Pangalawang Presidente ng CRI

Ipinahayag naman ni Wang Wenjun, Pangalawang Presidente ng CRI, na ang pelikula ay pinakamagandang pagpapakita ng bungang kultural ng isang bansa. Ang layunin ng ganitong pagtatanghal ay para makipagdiyalogo at makipagpalitan sa mga manonood na Kambodyano. Nananalig aniya siyang tiyak na maibibigay ng nasabing aktibidad ang magandang karanasang pangkultural at pandamdamin para sa mga manonood ng Kambodya na kasali dito.

Itatanghal sa mga lalawigang gaya ng Svay Rieng, Kampong Cham, Siem Reap, Preah Vihear, Kampong Speu, Sihanoukville at Koh Kohg ang tatlong pelikulang Tsino at tatlong pelikula ng Kambodya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>