Idinaos kahapon, Huwebes, ika-14 ng Disyembre, sa Guangxi, lunsod sa timog kanluran ng Tsina, ang Ika-4 na China-ASEAN Finance and Tax Cooperation Forum.
Tinalakay ng mga kalahok na eksperto ang hinggil sa pagpapalakas ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng pagtutulungan sa aspekto ng pandaigdig na pagbubuwis, at pagkokoordinahan ng mga patakarang pinansyal ng iba't ibang bansa.
Ipinalalagay din nilang, kasunod ng paglaki ng halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, dapat dagdagan nila ang pag-uunawaan sa sistemang pambuwis ng isa't isa, para maging mas maalwan ang kanilang kooperasyon.
Salin: Liu Kai