Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nanjing Massacre: photo story ng biktima na si Wang Suming

(GMT+08:00) 2017-12-18 16:32:16       CRI

Ang taong 2017 ay Ika-80 Anibersaryo ng Nanjing Massacre, kung saan higit 300,000 Tsino ang pinaslang ng mga Hapon na sumakop sa Nanjing noong Dec. 13, 1937, na siyang hudyat ng pagsisimula ng anim na linggong paninira, pagnanakaw, panggagahasa at pamamaslang sa lunsod. Sa kasalukuyan mayroon na lamang di-kukulangin sa 100 biktima ang nabubuhay. Ginugol ng mga mamamahayag ng Xinhua ang maraming taon upang hanapin ang mga natitirang nakaligtas sa Nanjing Massacre at itala ang kalagayan ng kanilang kasalukuyang pamumuhay.

Makikita sa mga larawan ang araw-araw na pamumuhay ni Wang Suming, nakaligtas sa Nanjing Massacre. Ipinanganak si Wang noong Nov. 3, 1935. Ayon sa kanyang ina na si Zhang Zhengqing, ang ama ni Wang na si Yang Daifo ay nahuli ng mga Hapon habang nasa isang teahouse at hindi na nila nakita kailanman. Nalaglag ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina habang tumatakas sa mga Hapon. Si Wang ay may tatlong anak at kasalukuyang nag-iisa mula nang yumao ang kanyang asawa noong 2001.

Larawan ng pamilya ni Wang noong 2016 (kaliwa).

Noong Sept. 14, 2017 kinuha ang litratong ito kung saan si Wang ay makikitang nakikipagkwentuhan sa isang kapitbahay (gitna itaas).

Si Wang habang nag-eehersisyo sa Qinghuai River (gitna).

Si Wang habang inaasikaso ang mga halaman sa kanyang bahay (gitna ilalim).

Si Wang habang nasa bahay (kanan itaas).

Si Wang habang nakikipag-video chat sa kanyang apo na nasa Estados Unidos (kanan ilalim).

Salin: Mac
Edit: Jade
Larawan: Xinhua/Han Yuqing, Li Xiang at Ji Chunpeng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>