Beijing, Tsina--Nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga sugong Tsino na nakatalaga sa mga bansang dayuhan na magsisikap pa para mapasulong ang "major-country diplomacy" na may katangiang Tsino. Layon nito aniyang itatag ang bagong uri ng relasyong pandaigdig na nagtatampok sa win-win cooperation.
Ang panawagan ay ipinahayag ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo kahapon, Huwebes, Disyembre 28, 2017 sa mga sugong Tsino na nakatalaga sa iba't ibang bansang dayuhan.
![]( /mmsource/images/2017/12/29/a21a8de30bf94e0e933fe00d4cf775ab.jpg)
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina habang nagtatalumpati sa kanyang pakikipagtagpo sa mga sugong Tsino na nakatalaga sa iba't ibang bansang dayuhan, sa Beijing, Disyembre 28, 2017. (Xinhua/Ding Lin)
Hinimok din ni Xi ang mga diplomatang Tsino na patuloy na mag-ambag para pasulungin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayang Tsino at dayuhan, at itatag ang komunidad na may "shared future" para sa sangkatauhan.
Salin: Jade