Ipinahayag ni Audrey Azoulay, Pangkalahatang Direktor ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang kalungkutan sa pag-urong ng Israel sa organisasyon.
Isinumite kamakalawa, Biyernes, Disyembre 29, ng Israel sa UNESCO ang patalastas hinggil sa nasabing pag-urong.
Sinabi ni Azuolay na sa harap ng mga posibleng alitan sa pagitan mga kasaping bansa ng UNESCO, ang patuloy na paglahok sa mga gawain ng organisasyon ay makakatulong sa diyalogo, pagtutulungan at partnership. Maaaring lamang malutas ng mga kasaping bansa ang mga pagkakaiba sa loob ng organisasyon.
Salin: Jade