Sa okasyon ng taong 2018, ipinalabas ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN), ang mensaheng pambagong-taon kung saan ipinaabot ang pangungumusta at pagbati sa mga mamamayan sa iba't-ibang bansa sa daigdig.
Bukod dito, tinukoy niya na kasalukuyang kinakaharap ng daigdig ang maraming hamon. Aniya, kung talagang nais lutasin ang mga hamon, dapat igiit ng iba't-ibang bansa ang pagkakaisa.
Noong unang araw ng Enero, 2017, opisyal na nanungkulan si António Guterres bilang UN Secretary-General.
Salin: Li Feng