Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapalitan ng CPC at PDP-Laban, nakakabuti sa pag-unlad ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2018-01-12 11:01:33       CRI

Thematic Briefing On The 19th National Congress Communist Party of China, idinaos Enero 11, 2018 sa Sunset Pavilion ng Sofitel Hotel, Pasay City

Sa Manila, Pilipinas—Ipinahayag dito Huwebes, ika-11 ng Enero, 2018, ni Senate President Aquilino "Koko" Pimentel III ng Pilipinas na ang layunin ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay baguhin ang kinabukasan ng Pilipinas, kaya dapat malaman nito ang karanasan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pinakamalaking partido sa buong daigdig, sa pagpapanatili ng disiplina, at ideological cohesion ng partido para maayos na isagawa ang mga administratibong gawain sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Pinatugtog ang national anthem ng Tsina

Pinatugtog ang national anthem ng Pilipinas

Winika ito ni Koko sa isang espesyal na pulong na idinaos sa Manila para ibahagi ng delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga kaalaman at ideya ng 19th National Congress ng CPC sa mga personahe ng iba't ibang sektor ng Pilipinas. Ang delegasyong ito ay pinamunuan ni Meng Xiangfeng, Miyembro ng Komite Sentral ng CPC.

Sinabi niyang ang layunin ng kanyang biyahe sa Pilipinas ay mapalalim ang pagkaunawa ng mga Pilipino sa kasalukuyang kalagayan ng Tsina at mga kaalaman hinggil sa CPC. Ito aniya ay nakakatulong sa mga aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa.

Nagbigay ng welcome remarks si  Senate President Aquilino Koko Pimentel III

Thematic Briefing on The 19th National Congress Communist Party of China, idinaos Enero 11, 2018 sa Sunset Pavilion ng Sofitel Hotel

Sa pulong na ito, inilahad ni Meng ang mga pangunahing ideya at kaalaman hinggil sa 19th CPC National Congress. Sinabi niyang ang mga natamong bunga ng kongreso ay pag-unlad ng ideya at teorya ng CPC sa bagong panahon, paglagom ng mga karanasan ukol sa pambansang pag-unlad nitong limang taong nakalipas, at bigyang liwanag ng landas ng Tsina sa kinabukasan. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ng Tsina ay nagbigay din ng malaking ambag para sa pag-unlad ng buong daigdig.

Iskedyul ng Thematic Briefing On The 19th National Congress Communist Party of China

Sinabi pa ni Pimentel na sa kasalukuyan, nagsisikap ang PDP-Laban para sa bagong panahon ng Pilipinas. Kaya umaasa aniya siyang mula sa mga karanasan ng CPC, maaaring malaman at piliin ng mga miyembro ng PDP-Laban at mga Pilipino kung ano ang mahalaga para sa bansa. Ito aniya ay para maisakatuparan ang mas magandang pamumuhay ng mga Pinoy at maitatag ang mas mapayapa, masaya, malaya, malusog, makatarungan, ligtas at pantay na lipunan.

Si Meng Xiangfeng, Executive Deputy Secretary of the Working Committee for Organizations directly under the CPC Central Committee ay nagbigay ng Thematic Briefing On The 19th National Congress ng CPC

Sa pulong na ito, sinagot ni Meng ang mga tanong mula sa mga kalahok na Pinoy. Sinabi niyang matatag at mahigpit na pinapawi ng CPC ang anumang korupsyon sa partido at bansa. Inilahad din niya ang mga karanasan at hakbangin ng CPC sa paglaban sa korupsyon.

Bukod dito, ipinahayag niya ang pagtanggap sa pagpapalalim ng pagpapalitan ng mga partido ng dalawang bansa sa iba't ibang antas.

Kaugnay nito, sinabi ni Pimentel na binabalak ng panig Pilipino na ipadala sa Tsina sa taong 2018 ang mas maraming delegasyon ng partido para mapalalim ang pagpapalitan nila.

Dumalo sa  briefing ang mahigit 100 party members ng Partido Demokratiko Pilipino-PDP Laban, gobyerno ng mga lunsod at lider ng mga tanggapang pampamahalaan

Sa pagsisimula ng Thematic Briefing On The 19th National Congress Communist Party of China, makikita ang mga note na ginawa ni Sec. Gene Mamondiong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Dumalo sa pulong na ito sina Congressman Gus Tambunting, Yuan Zhibing, Director General ng CPC Bureau One International Department; Lin Zhi, Division Chief, CPC Personnel Bureau; Du Dingding, Division Chief, CPC Bureau One International Department; Chinese Ambassador Zhao Jianhua; Embassy of China Counsellor Sun Yi at ibang mga kinatawan ng mga tanggapang pampamahalaan ng Pilipinas at media ng Tsina at Pilipinas.

Bago ang pulong na ito, kinatagpo noong ika-9 ng Enero sa Malacanang ang delegasyon ng CPC ni Pangulong Rodrigo Duterte, na siya ring Tagapangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban). 

Ulat: Ernest

Larawan: Sissi

Pulido: Mac/Jade

Web-edit: Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>