Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bilang ng bagong-silang ng Tsina noong 2017, bumaba; Kalahati nito, pangalawang anak

(GMT+08:00) 2018-01-19 14:52:50       CRI

Beijing, Tsina-Ayon sa datos na ipinalabas Huwebes, Enero 18, 2018, ng National Bureau of Statistics Tsina, noong taong 2017, umabot sa 17.23 milyon ang bilang ng mga bagong-silang ng bansa. Ito ay mas mababa nang 630,000 kumpara sa bilang noong 2016. Samantala, hanggang sa katapusan ng 2017, umabot sa 1,390,080,000 ang kabuuang bilang ng populasyon ng Chinese mainland at tumaas ng 7.37 milyon kumpara sa gayunding panahon ng 2016.

Bilang tugon sa pagtanda ng populasyon, simula noong 2016, pinahihintulutan ng Pamahalaang Tsino ang mga magulang na magkaroon ng pangalawang anak.

Ayon sa datos, kalahati ng nasabing mga bagong-silang ay pangalawang anak ng pamilya. Ito ay mas mataas kumpara sa bilang noong 2016.

Gayunpaman, ipinakikita ng survey na dahil sa isyung pinansyal, pangkarera at pag-aalaga ng bata, nag-aatubiling magkaroon ng pangalawang anak ang mga pamilyang Tsino.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
populasyon
v Resulta ng kabuhayang Tsino noong 2017, lumabas na 2018-01-18 16:09:05
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>