Isiniwalat ni Wan Gang, Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina na noong 2017, ang pagbebenta ng new energy vehicle ng buong daigdig ay lumampas sa 1.42 milyon, at sa mga ito, 777 libo ang ipinagbili sa Tsina. Sa hinaharap, pahahalagahan ng Tsina ang inobasyon sa industrya, teknolohiya, at mga patakaran, at pasusulungin ang pag-unlad ng new energy vehicle sa aspekto ng electric at intelligent vehicle.
Idinaos kamakailan ang 2-araw na China Electric Vechile 100 Forum ng 2018 sa Beijing, ilang libong kalahok mula sa loob at labas ng bansa ang dumalo, at tinalakay nila ang hinggil sa positibong pag-unlad ng industrya ng new energy vehicle.
salin:Lele