Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kabayanihan ng SAF 44, ginunita

(GMT+08:00) 2018-01-25 16:59:17       CRI

IDINAOS ang paggunita sa 44 na tauhan ng Special Action Force sa kanilang punong himpilan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kanina.

Naideklara na ni Pangulong Duterte ang araw na ito bilang Araw ng Paggunita sa Pagaalay ng Buhay ng 44 na tauhan ng Special Action Force na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao tatlong taon na ang nakalilipas.

Namuno sa paggunita si Deputy Director General Archie Francisco Gamboa, ang chief ng directorial staff bilang kinatawan ni Director General Ronald Dela Rosa.

Punong-abala ang katatalagang director ng SAF, si Police Director Noli Taliño sa okasyon. Nag-alay din ng bulaklak si Director Oscar Albayalde sa memorial ng SAF 44.

Napaslang ang 44 na tauhan ng pulisya sa pagsalakay sa kuta ng isang terorista sa Mamasapano. Napaslang nila ang Malaysian national na si Zulkipli Bin Hir alias Marwan, isang kinikilalang terorista.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>