Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong Embahador Tsino, iniharap ang Credentials sa Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN

(GMT+08:00) 2018-01-30 09:40:03       CRI

Jakarta, Indonesia--Iniharap noong ika-29 ng Enero, 2018, ni Huang Xilian, bagong Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Credentials kay Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.

Pinarating ni Huang ang pagbati ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina kay Lim Jock Hoi. Ipinahayag ni Huang na laging pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa ASEAN, at priyoridad ito sa diplomasiya sa mga kapitbansa ng Tsina at mahalagang rehiyon ng "Belt and Road" initiative. Sa ilalim ng pagsisikap ng dalawang panig, mainam ang pag-unlad ng relasyon at malawak ang prospekt. Sa kasalukuyan, binabalangkas ng dalawang panig ang "Vision for Strategic Partnership between China and ASEAN toward the year 2030," at iniuugnay ang mga estratehiya ng pag-unlad, at nang sa gayo'y, maitatatag ang partnership sa mas mataas na antas.

Ipinahayag ni Lim ang mainit na pagtanggap kay Huang. Sinabi ni Lim na ang Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang partner sa diyalogo at pinakamalaking partner ng kalakalan ng ASEAN. Aniya, nakahanda siyang pahigpitin ang kooperasyon at paguugnayan sa pagitan ng Sekretaryat ng ASEAN at Embahadang Tsino para pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>