Noong ika-29 ng Enero, 2018, ipinahayag ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia na dapat gamitin ng Malaysia ang pagkakataon ng "Belt and Road"initiative, at maisakatuparan ang sariling pag-unlad.
Nang araw ring iyon, sa isang bangkete ng mga lider sa sirkulo ng komersyo, sinabi ni Razak na bilang pangunahing bansa ng pagluluwas ng daigdig, dapat puspusang humanap ng bagong pamilihan, at lumikha ng mas maraming pagkakataon para sa mga kabataan.
Aniya, iniuugnay ng "Belt and Road"initiative ang Asya, Europa at Aprika, at sinasaklaw ang karamihan ng mga populasyon at ekonomiya ng buong daidig. Kasunod ng pagpapa ng konektibidad, maaaring mahanap ng Malaysia ang pagkakataon sa pamilihan ng mas maraming bansa at rehiyon.
salin:Lele