Ayon sa datos ng Komisyon ng Koordinasyon sa Puhunan ng Indonesia, noong 2017, umabot sa 430.5 trilyong rupiah (32.1 bilyong dolyres) ang puhunang dayuhan sa bansa, na tumaas ng 8.5% kumpara sa 2016. Ang nasabing bilang ay katumbas ng 62.1% ng 692.8 trilyong rupiah (mga 51.6 bilyong dolyres) na kabuuang puhunan ng bansa.
Ang Singapore, Hapon at Tsina ay unang tatlong bansang may pinakamalaking puhunan sa Indonesia noong 2017. Ang kani-kanilang puhunan ay 8.4 na bilyong dolyares, 5 bilyong dolyare at 3.4 na bilyong dolyares ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Jade
Pulido: Mac