|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Cambodia—Nilagdaan ng Tsina at Cambodia, Huwebes, Pebrero 1, 2018 ang Kasunduan ng Pagpapatupad sa mga Mobile Clinic. Batay sa kasunduan, ang 40 mobile clinic na ipagkakaloob ng Tsina ay ipapadala sa 25 lalawigan/lunsod ng Cambodia para magamot ang mga taga-nayon sa malalayong lugar.
Ang nasabing mga mobile clinic ay kayang magbigay ng panlahat na pagsusuri at panggagamot sa paediatrics, gynaecology at obstetrics, E.N.T., dentistry, at ultrasound.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |