Sa paanyaya ng China Cultural Center in Bangkok at Cultural Center of the Philippines, mula unang araw hanggang ika-11, Pebrero, 2018, nagtatanghal ang mga Chinese puppet group sa Thailand at Pilipinas.
Ayon sa ulat, isang makulay na palabas ang inihandog ng tatlong bantog na Chinese puppet group para sa mga manonood.
May mahabang kasaysayan ang Chinese puppet culture, at ito ay may mahalagang katayuan sa lipunan ng international puppet culture. Kabilang sa mga palabas sa Thailand at Pilipinas ay rod puppet at string puppet.
Ang nasabing palabas ng mga Chinese puppet group sa Timog Silangang Asya ay nasa panahon ng "Happy Spring Festival" — malaking aktibidad na kultural na itinataguyod ng Ministri ng Kultura ng Tsina.
Salin: Li Feng