|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng Chinese mainland ang kahandaang tumulong sa mga kababayan sa Taiwan makaraang yanigin ito ng 6.5 magnitude na lindol, Martes ng gabi, Enero 6, 2018.
Hanggang alas-seis ngayong umaga, 9 katao na ang naitalang namatay, mahigit 260 ang nasugatan, at 62 ang nawawala, sa pinakamalakas na lindol na naganap sa Hualien County nitong 5 dekadang nakaraan.
Apat na gusali sa nilindol na lugar ang bahaging nasira o tumikwas. Kabilang sa mga ito ay Yun Men Tusi Ti Building, Marshal Hotel at dalawang gusaling panirahan. Karamihan sa mga nawawala ay natabunan sa Yun Men Tusi Ti Building.
Nagpasiya ang Red Cross Society of China na mag-abuloy ng isang milyong yuan RMB (mga 160,000 US Dollar) para sa mga gawain ng pagliligtas. Nakahanda rin itong magpadala ng mga rescue team.
Sinabi ni Chen Deming, Presidente ng mainland-based na Association for Relations Across the Taiwan Strait, na nakahanda ang mailand na tulungan ang Taiwan sa paghahanap at pagliligtas na gaya ng pagpapadala ng rescue team.
Tumawag naman sa telepono si Zhang Zhijun, Puno ng Taiwan Affairs Office ng State Council, Gabinete ng Tsina, kay Fu Kun-Chi, Puno ng Hualien County para malaman ang mga detalye hinggil sa kasuwalti.
Sinabi naman ng All-China Federation of Taiwan Compatriots na ang mga kababayang Taiwanes sa mainland ay nakahandang magbigay ng tulong sa abot ng makakaya.
Gusaling bahaging nasira sa magnitude 6.5 na lindol sa Hualien County, Taiwan, Tsina, Pebrero 7, 2018. (Xinhua/Yue Yuewei)
Gawain ng pagliligtas sa isang nasirang gusali sa Hualien County, Taiwan, Tsina, Pebrero 7, 2018. (Xinhua/Yue Yuewei)
Mga residenteng lokal habang nasa pansamantalang tirahan sa Hualien County, Taiwan, Tsina, Pebrero 7, 2018. (Xinhua/Yue Yuewei)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |