Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dangerous Drugs Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Agusan del Sur, itatayo sa ilalim ng tulong ng Tsina

(GMT+08:00) 2018-02-13 16:32:51       CRI

Agusan del Sur, Pilipinas--Idinaos kahapon, Lunes, ika-12 ng Pebrero 2018, ang Groundbreaking Ceremony ng Dangerous Drugs Abuse Treatment and Rehabilitation Center, na itatayo sa ilalim ng tulong ng Tsina.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Jin Yuan, Economic and Commercial Counsellor ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na sa pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 2016 sa Beijing, ipinangako ng panig Tsino na tumulong sa Pilipinas sa pagtatayo ng dalawang Dangerous Drugs Abuse Treatment and Rehabilitation Center. Ani Jin, ang sentro sa Agusan del Sur ay isa sa nabanggit na dalawang sentro. Dagdag niya, idinaos din noong isang buwan ang groundbreaking ceremony ng isa pang sentrong nasa Sarangani.

Ipinahayag ni Jin, na sa pamamagitan ng pagsisimula ng dalawang proyektong ito, naipatupad ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, natamo ng kooperasyong Sino-Pilipino ang inisyal na bunga, at nakikita ang benepisyong dulot ng malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>