Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

4 na estudyantang Pilipino, bibisita sa Beijing

(GMT+08:00) 2018-02-13 17:08:00       CRI

Manila, Pilipinas—Apat (4) na masuwerteng estudyantang Pilipino mula sa Pinagbuhatan High School, Pasig City, Metro Manila, ang bibisita sa Beijing sa huling hati ng taong ito.

Mga estudyante ng Pinagbuhatan High School. (L-R)Yna Onate, Tricia Catamoro, Wayne T. Trumpeta, Nasmerah Macapa-ar.

Ang koponang nagkampeon at mga mahalagang panauhin.

Ito ang kanilang premyo bilang miyembro ng nagkampeong koponan sa isang kompetisyon hinggil sa kaalaman sa Tsina, na itinanghal para sa lahat ng high school sa Metro Manila.

Kaugnay ng mga nagustuhang bagay sa Tsina, sinabi ni Nasmerah Macapa-ar, isa sa nasabing 4 na estudyante na gusto niyang bumisita sa Great Wall.

Gusto kong kumain ng "Peking Duck," sabi naman ni Wayne Trumpeta.

Idinaos Lunes, Pebrero 12, 2018 sa Conference Hall ng Department of Education (DepED)-National Capital Region (NCR) sa Quezon City ang semi-final at final round ng ika-11 China in Your Classroom QUIZ BEE Competition.

Dumalo sa kompetisyong ito ang 16 na koponan mula sa 16 na mataas na paaralan ng national capital region.

Wilfredo Cabral, Officer-in-Charge ng DepED-NCR.

Ipinahayag ni Wilfredo Cabral, Officer-in-Charge ng DepED-NCR, na walang hanggahan sa pagitan ng kaisipan ng mga tao, kaya umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing kompetisyon, mapapalalim ang pagkakaunawaan at pagkakaalaman ng mga kabataan ng Pilipinas at Tsina sa isa't isa.

Sinabi rin niyang popular na popular ang nasabing kompetsiyon sa mga guro at estudyante ng mga high school sa Metro Manila nitong ilang taong nakalipas.

Luo Gang, Counsellor at Consul General ng Embahadang Tsino.

Ipinahayag naman ni Luo Gang, Counsellor at Consul General ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na umaasa siyang ang kompetisyong ito ay makakatulong sa pamumuhay at karera ng lahat ng mga kalahok na estudyante sa hinaharap.

Samantala, inilahad ni Peter Chua, Executive President ng Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines (FFCAP), isa sa mga organizers ng kompetisyong ito, na bukod sa mga tradisyonal na kasaysayan at kultura ng Tsina, kabilang din sa kompetisyon ang mga kaalaman hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Tsina at bilateral na relasyong Sino-Filipino.

Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng kompetisyong ito, malalaman ng mga estudyanteng Filipino ang mas marami bagay hinggil sa Tsina, lalo na tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari sa Tsina.

Bilang pagdiriwang sa ika-42 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng Tsina at Pilipinas, magkasamang itinaguyod ng Cultural Office ng Embahadang Tsino, Department of Education-National Capital Region, Philippine Chinese Education Research Center at FFCAP, ang nasabing kompetisyon.

Mga kalahok na estudyante

Ang inisiyal na yugto ng kompetisyon ay idinaos noong Ika-11 ng Nobyembre, 2017.

Board of judges

Mga manononood.

Lumahok sa kompetisyon ang 1,600 estudyante mula sa 16 high school ng NCR.

Ang bawat koponan na lumahok sa semi-final ay binubuo ng 4 na miyembro.

Sulat/larawan: Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>