Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Pebrero 2018, ng Bangko Sentral ng Malaysia, noong 2017, lumaki ng 5.9% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Ang bilang na ito ay mas malaki kaysa 4.2% noong 2016.
Ayon pa rin sa pagtaya ng naturang bangko, sa taong 2018, patuloy na bubuti ang kabuhayan ng Malaysia. Anito, ang pangangailangang panloob ay mananatiling pinakamalaking elementong tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan, at ang tunguhin ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig ay makakabuti rin sa pagluluwas ng Malaysia.
Salin: Liu Kai