Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina sa komunidad ng daigdig: manatiling matiyaga sa isyu ng Rakhine State

(GMT+08:00) 2018-02-15 14:45:43       CRI
Sa bukas na pulong na idinaos nitong Martes, ika-13 ng Pebrero 2018, ng United Nations Security Council, hinggil sa isyu ng Myanmar, nanawagan sa komunidad ng daigdig si Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na manatiling matiyaga sa isyu ng Rakhine State.

Sinabi ni Ma, na masalimuot ang isyu ng Rakhine State, dahil sa mga elemento ng kasaysayan, etniko, at relihiyon, at hindi ito malulutas sa maikling panahon. Pinaninindigan aniya ng panig Tsino, na dapat maayos na hawakan ng Myanmar at Bangladesh ang isyung ito, sa pamamagitan ng bilateral na tsanel, para marating ang kasunduang katanggap-tanggap ng kapwa bansa.

Kaugnay ng pagkaabala sa pagbabalik ng mga mamamayang taga-Rakhine sa Myanmar mula sa Bangladesh, umaasa aniya si Ma, na mauunawaan ng komunidad ng daigdig ang mga kahirapan at hamong kinakaharap ng mga pamahalaan ng Myanmar at Bangladesh, at patuloy na kakatigan at tutulungan ang dalawang bansa para sa pagpapasulong sa gawaing ito.

Dagdag pa ni Ma, lubos na sinusubaybayan ng Tsina ang kalagayan sa Rakhine State. Iniharap aniya ng panig Tsino sa Myanmar at Bangladesh ang mga mungkahi hinggil sa paglutas sa isyung ito, at ang mga ito ay tinatanggap ng kapwa bansa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>