|
||||||||
|
||
HINDI muna itutuloy ang paglilitis kay dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, dating PNP Chief Alan Purisima at dating Special Action Force director Getulio Napenas na nag-uugat sa madugong sagupaan sa Mamasapano.
Nabatid na hindi muna itinuloy ang pagbasa ng demanda at pre-trial na nakatakda sanang gawin ngayon.
Naganap ito matapos maglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema
Ang bawat isa ay nahaharap sa paglabag sa Anti-Graft ang Corrupt Practices Act at usurpation of official function.
Nilagdaan nina Division Chairperson Associate Justice Alex Quiroz at Associate Justices Reynaldo Cruz at Bayani Jacinto ang resolusyong may petsang ika-12 ng Pebrero.
Magugunitang nasawi ang 44 na opisyal at tauhan ng Special Action Force sa naganap na sagupaan noong ika-25 ng Enero 2015.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |